Huwebes, Agosto 10, 2017

Fort San Pedro: Nakatagong Ganda


"Life is a voyage in time. Traveling it leaves you speechless, then turns you into a storyteller."

Kuryosidad ang susi upang makatuklas ng mga bagay-bagay na maaring magdulot ng malaking epekto sa buhay mo. Bilang isang masugid na manglalakbay kahit isang estudyante pa lamang, hindi mawaglit sa akin ang mga katanungan kung ano nga ba ang magandang tanawin dito sa Cebu? Hindi lamang iyong dinadamag ng maraming tao kundi iyong sa isang tingin mo palang, nakuha na nito ang buong atensiyon mo, ang mga nanlalaking mata at pusong tumitibok sa labis na pagkasabik.

Isa sa nakapagbighani ng aking damdamin ay ang FORT SAN PEDRO.





Ang Fuerza de San Pedro na mas kilalang FORT SAN PEDRO sa kasalukuyan ay isa sa pinakamaliit at pinakamatandang moog sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Plaza Independencia sa Lungsod ng Cebu. Itinayo noong ika-8 Mayo,1565 ng mga manggagawang [Cebuano] sa ilalim ng pamamahala ni Miguel Lopez de Legazpi. Ito ay ideneklara bilang isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Naging kampo ng mga Kastila laban sa pagsalakay ng Moro sa lalawigan (Panahon ng mga Kastila).Sa panahon ng pananakop ng America ito ay naging parte ng Warrack Barracks, ang garisong itinayo ng mga militar. At naging paaralan rin ng mga Cebuano. Ngunit kahit marami ng pinagdaanan ang Fort san Pedro nanatili pa rin itong isang matayog na tanawin.



Makikita mong sa labas pa lamang kahit na may katandaan na, hindi pa rin nawawala ang kagandahang taglay nito. Pinalilibutan ito ng mga puno na may magandang landscape. 


Bago ka makapasok sa Fort San Pedro, may entrance fee silang hinihingi. Dahil estudyante ako, may 20% discount kaya kahit 50 pesos naging 40 pesos. Kahit medyo mahal ang bayad, worth it naman ang pagpasok mo sa loob. Noong nakapasok na ako, mas lalong nabighani ang aking damdamin dahil bukod sa ambiance na dala nito, hindi naman magpapahuli ang mga magagandang bulaklak, landscape na nagpapalaki ng aking mga mata at ang mga iba't- ibang heritage na makaantig ng damdamin at munting museum ngunit siksik sa laman ang loob nito.



Iilan lamang ito sa mga tanawing makikita mo sa loob:


Colonnade inside Fort San Pedro (Side View)

Front View (Pathway)







Sa loob nito makikita kung ano ang kasaysayan ng Fort San Pedro mula noong Panahon ng Kastila at kung paano ito nagbago sa lumipas na panahon hanggang sa kasalukuyan.







Fox Hole ng Fort San Pedro na naging hideout ng mga militar.


















Cannon. Nagsilbing armas ng mga militar sa pakikidigma sa mga kalaban.






Sa paglalakbay ko, natutunan kung pahalagahan ang mga pinagmulan ng mga bagay. Kahit gaano man ito kaliit dapat pa rin itong bigyan ng pansin sapagkat ang maliliit na bagay ay maaring makakatulong ng malaki hindi lamang sa mga pangayari sa buhay pati na rin sa iyong sarili. Ang mga kasaysayang pinamana ng ating mga ninuno ay dapat pahalagahan sapagkat ito ang nagsilbing kayamanan at kaluluwa nating mga Pilipino.

1 komento: