Huwebes, Agosto 10, 2017

Siquijor: Mystique Island



Ang Siquijor ay isa lamang sa maraming isla na may magagandang tanawin sa 7, 107 na polo sa buong Pilipinas. Ito ay nabibilang sa Gitnang Visayas at makikita ito sa ilalim ng Cebu sa mapa. Napakaliit lamang pero kabaligtaran naman kung kagandahan ang pag-uusapan. Ang Siquijor ay kilala bilang Mystique Island at Isla del Fuego o Island of Fire dahil ayon sa kinanunuan ng Isla, nadiskubrehan daw ang Isla sa mga tutubing nagbibigay liwanag sa buong Isla. Maraming mga dayuhan na bumibisita sa lugar na iyon dahil sa maganda nitong tanawin lalong-lalo na ang mga yamang tubig doon tulad ng dagat.

Ang aking paglalakbay ay nakatuon sa isa sa mga tanawing binabalikan ng mga turista doon, ang Cang-iping. Pati na rin sa mga tanawing aking nasaksihan sa aking pag- uwi sa amin. Mga tanawin sa iba't ibang lugar.


 Galing sa Cebu City, may tatlong pamamaraan na maaari kong pagpilian upang makarating sa Siquijor: ang pagsakay ng barko, gamit ang himpapawid at ang paglalandtrip. Sa tatlong pagpipilian, ang pinili ko ay ang paglalandtrip. Tapos ko ng inayos ang aking dadalhin na gamit pauwi sa aking Islang kinagisnan, ang Siquijor, galing sa kasalukuyan kong nirerentahan buwan- buwan upang pansamantalang tutuluyan sa aking pananatili rito sa Cebu, B. Rodriguez, St., sumakay ako ng 06C na jeep papuntang Cebu South Bus Terminal. Pagkarating ko roon, pumunta ako sa upuan ng mga pasahero ng bus na pupuntang Liloan Port sa Santander, Cebu at naghintay doon ng ilang minuto sa bus na paparating. Pagdating ng bus, pumila agad ako at nakasakay na. Pagkalipas ng labin limang minuto, umandar na ang bus. Habang nagbibiyahe ang bus sa loob ng mahigit 4 na oras, marami akong lugar at mga tanawing namamasdan. Maraming lugar akong nadaanan, tulad ng sa Oslob, Dalaguete, Alcoy, Argao at iba pa. Sa Oslob, naging saksi ako sa kagandahan ng karagatan doon. May mga polo akong nakikita. Habang ang sa kabilang banda naman, mga punong kahoy. Ang naging bayad ko papunta sa Liloan Port ay Php.170 dahil may porsyento ako bilang isang mag-aaral. Pagkatapos ng mahabang biyahe, nakarating rin ako sa Liloan Port, bumili agad ako ng ticket para sa fast craft papuntang Sibolan Port na bahagi ng Dumaguete. Ang ticket ay nagkakahalaga ng Php.55 dahil ginamit ko naman ang benepisyo bilang isang mag-aaral. Ngayon, ang aking paglalakbay sa karagatan ay nasa 20 minuto lamang. Sa paglalakbay kung ito, dahil wala akong makikitang ibang tanawin kung hindi ang napakalawak na karagatan at ang anino ng polo na Dumaguete na mas lalong naaaninag habang ako ay nalalapit sa aking patutunguhan ay wala akong magawa kung hindi ang mamangha sa kagandahan ng karagatan. Pagkarating ko ng Sibolan Port, sumakay agad ako ng jeep na nag-aabang sa mga darating na pasahero. Sa pagsakay ko sa jeep, ibang tanawin naman ang aking nakikita, ang tanawin ng isang Dumaguete, nang natanaw ko na ang PNB, pumara agad ako at bumaba. Ang naging bayad ko ay Php.11 lamang. Pagkababa ko, nagsimula na akong naglakad papuntang Dumaguete Port na abot tanaw ko lamang. Sa aking paglalakad, nakikita ko ang prestihiyosong paaralan ng Silliman University. Nang narating ko na ang Dumaguete Port, bumili ako ng ticket papunta sa Siquijor. Ang ticket ay nagkakahalaga ng Php.120 kung ang iyong sasakyan ay iyong mabagal lamang. Magagamit mo rin ang kapangyarihan mo bilang mag-aaral. Kailangan mo ng Identification Card upang makapasok sa Isla. Pero kung gusto mong sumakay sa mas mabilis, kailangan mo lang naman ilabas ang iyong pera. Ang naging biyahe ay tumagal ng mahigit isang oras. Pagkarating ko sa Siquijor Port, sinalubong agad ako ng "The Siquijorian Feels". Sumakay agad ako ng tricycle papunta sa amin.


Pagkarating ko sa amin, nagpahinga at hinanda ko ang aking sarili sa aking paglalakbay sa dagat na Cang- ipig pagkabukas. Pagkagising ko, kumain ako at ginawa ang aking araw- araw na ritwal bago pumunta sa dagat. Kasama ang aking mga pinsan, nagsimula na kaming naglakad dahil hindi naman iyon kalayuan sa amin. Pagkarating namin, amoy na amoy ko ang sariwang hangin na dala ng karagatan. Maraming mga puno sa Cang-iping at ang punong niyong ang nangunguna sa bilang. Napakaputi rin ng buhangin at ang pino ng mga ito. At higit sa lahat, napakalinaw ng tubig dagat.






Naligo kami ng mga pinsan ko doon at may mga ibang turista ring dumadayo. Nakakatuwa lang na ang nakapakagandang lugar na ito ay walang nagmamay-ari. Lahat ay puwedeng pumunta dito ng libre. Wala kang perang ilalabas makapasok lang sa lugar na ito, ang magiging gastos mo lang ang iyong pamasahe kung ikaw ay galing sa malayo. Ang kailangan mo ring gawin para kahit papaano ay maibalik ang kasiyahang naibibigay nito ay ang pagpapanatili ng kalinisan nito. Ibig sabihin, huwag magtatapon ng mga dumi kahit saang sulok ng karagatan dahil kahit konting dumi lang, mawawalan ito ng porsyento sa kabuuang kagandahan na taglay nito. Sa katunayan, ang Cang- iping ay mas lalong sumikat dahil ito ang nanalo noong nagkaroon ng 3 day hoby challenge, tinalo nito ang ibang mga Isla. Tinagurian rin itong mini Boracay, nakakaangat ito sa Boracay sa aspekto ng pagka birhen dahil ni minsan ay hindi ito ginalaw. Walang mga gusali o ano ano pa ang itinayo dito kaya nanatili ang pagiging natural nito. Noong nanalo ito sa paligsahan noong 2016, naging saksi ako sa mga naging kasiyahan. Maraming turista ang dumayo na hanggang ngayon patuloy pa ring dumadayo. Naligo, naglaro, nagkwentuhan at iba pang maaring gawin sa karagatan ang aming  ginawa.





Nanatili kami ng aking mga pinsan doon hanggang sa naging hapon na. Doon namin pinagmasdan ang paglubong ng araw. Kaya ang resulta sa aming ginawang paglalakbay sa karagatan, naging tulog mantika kami pagkauwi sa bahay. 







Sa aking mga naging karansan, ang naging realisasyon ko ay ang mga tao ay dapat magkakaroon ng pagpapahalaga sa mga bagay- bagay tulad ng mga yaman dito sa mundo na hindi mapapalitan ng kahit anong halaga. Marami akong napagmasdan na mga tanawin sa aking paglalakbay, tanawin mula sa Cebu, Dumaguete at sa Siquijor. Naisip ko na ang ganitong mga tanawin ang nagbibigay ng kasiyahan sa mga tao lalong-lalo na sa mga malulungkot, kaya dapat itong pahalagahan upang makapagbigay rin ito ng kasiyahan sa mga magiging anak natin, sa magiging anak ng ating anak, sa maikling salita sa mga susunod na henerasyon.

Fort San Pedro: Nakatagong Ganda


"Life is a voyage in time. Traveling it leaves you speechless, then turns you into a storyteller."

Kuryosidad ang susi upang makatuklas ng mga bagay-bagay na maaring magdulot ng malaking epekto sa buhay mo. Bilang isang masugid na manglalakbay kahit isang estudyante pa lamang, hindi mawaglit sa akin ang mga katanungan kung ano nga ba ang magandang tanawin dito sa Cebu? Hindi lamang iyong dinadamag ng maraming tao kundi iyong sa isang tingin mo palang, nakuha na nito ang buong atensiyon mo, ang mga nanlalaking mata at pusong tumitibok sa labis na pagkasabik.

Isa sa nakapagbighani ng aking damdamin ay ang FORT SAN PEDRO.





Ang Fuerza de San Pedro na mas kilalang FORT SAN PEDRO sa kasalukuyan ay isa sa pinakamaliit at pinakamatandang moog sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Plaza Independencia sa Lungsod ng Cebu. Itinayo noong ika-8 Mayo,1565 ng mga manggagawang [Cebuano] sa ilalim ng pamamahala ni Miguel Lopez de Legazpi. Ito ay ideneklara bilang isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Naging kampo ng mga Kastila laban sa pagsalakay ng Moro sa lalawigan (Panahon ng mga Kastila).Sa panahon ng pananakop ng America ito ay naging parte ng Warrack Barracks, ang garisong itinayo ng mga militar. At naging paaralan rin ng mga Cebuano. Ngunit kahit marami ng pinagdaanan ang Fort san Pedro nanatili pa rin itong isang matayog na tanawin.



Makikita mong sa labas pa lamang kahit na may katandaan na, hindi pa rin nawawala ang kagandahang taglay nito. Pinalilibutan ito ng mga puno na may magandang landscape. 


Bago ka makapasok sa Fort San Pedro, may entrance fee silang hinihingi. Dahil estudyante ako, may 20% discount kaya kahit 50 pesos naging 40 pesos. Kahit medyo mahal ang bayad, worth it naman ang pagpasok mo sa loob. Noong nakapasok na ako, mas lalong nabighani ang aking damdamin dahil bukod sa ambiance na dala nito, hindi naman magpapahuli ang mga magagandang bulaklak, landscape na nagpapalaki ng aking mga mata at ang mga iba't- ibang heritage na makaantig ng damdamin at munting museum ngunit siksik sa laman ang loob nito.



Iilan lamang ito sa mga tanawing makikita mo sa loob:


Colonnade inside Fort San Pedro (Side View)

Front View (Pathway)







Sa loob nito makikita kung ano ang kasaysayan ng Fort San Pedro mula noong Panahon ng Kastila at kung paano ito nagbago sa lumipas na panahon hanggang sa kasalukuyan.







Fox Hole ng Fort San Pedro na naging hideout ng mga militar.


















Cannon. Nagsilbing armas ng mga militar sa pakikidigma sa mga kalaban.






Sa paglalakbay ko, natutunan kung pahalagahan ang mga pinagmulan ng mga bagay. Kahit gaano man ito kaliit dapat pa rin itong bigyan ng pansin sapagkat ang maliliit na bagay ay maaring makakatulong ng malaki hindi lamang sa mga pangayari sa buhay pati na rin sa iyong sarili. Ang mga kasaysayang pinamana ng ating mga ninuno ay dapat pahalagahan sapagkat ito ang nagsilbing kayamanan at kaluluwa nating mga Pilipino.